Mga Tula
Ito ang aking paboritong pahina.
Lingid sa aking mga kaibigan,
Libangan ko ang bumasa at lumikha.
Mula simpleng pananaw at obserbasyon,
Nagsimulang humabi ng ilang tula.
Tulang pakiwari ko ba'y nagiliw na sadya.
Yung mga pinagtagni-tagni lang na salita,
Basta't dulo'y may huni at talagang akma,
Feel na tunay ang maging makata.
Ang pangarap na salat,
Mula pa nung ako'y batang mukhang patpat,
Salat sa pluma at ilang papel na panulat,
Kaya't karamihan sa likha'y nalusaw ng lahat.
Di ito nagpatuloy, pagkat isinantabi,
Paggawa ng tula ay iniwan sumandali,
Pero ngayon, pilit itong umuusbong,
Pangarap ng musmos, simula ng yayabong!
***
Narito ang ilang tula na maaari ninyong ika! Ika-inis, Ika-tuwa, Ika-galak, Ika-gigil o pwede rin naman Ika-walang bahala.