Sasamahan Kita

Sasamahan Kita

Sasamahan Kita hindi dahil sa kulay mo kundi para sa magandang adhikain mo.


Sasamahan kita,
Hindi dahil sa kulay na gusto ko,
Sasamahan kita dahil sa nakita ko,
Dahil kaiba ang adhika mo,
Sasamahan kita dahil naniniwala ako,
Sa kalinisan ng ipinaglalaban mo.

Tutulong ako hindi dahil sa kulay mo,
Tutulong ako dahil iyon ay gusto ko,
Tutulong ako sa tumutulong sa tao,
Tutulong ako sa mga nangangarap na tulad ko,
Ang makaahon sa hirap para sa mga mahal ko.

Tutulong, sasamahan at babantayan kita,
Mata akong magmamasid para di ka maloko,
At para hindi ka din makaisa at makapanloko,
Puwing man na di mo makita-kita,
Dumi pa rin makakaharang sa linaw ng mata.

Oo, sasama ako,
Dahil hindi pa ako pagod,
Sasama ako dahil
Gusto ko pang lumaban,
Hindi para makipag-away,
Kundi para gumanda ang buhay.

***


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma