Ulan


Ulan

Sa bawat pagpatak

dahon nagagalak

halaman nagtatampisaw

puno'y patid ang uhaw


Lamig hanging dala

abot hanggang tainga

Hamog sa umaga

nginig sa panga


Makulay na gulay

nakangiting tunay

Mga bungang prutas

nagpapakitang gilas


Damhin bawat patak

ng ulang tumatagaktak

biyayang bumuhos

ipasalamat ng lubos.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma