Utang Na Loob! Bakit Mahalaga?
Utang Na Loob! Bakit Mahalaga?
Utang Na Loob
Ang magpasalamat sa bawat ginawang tama,
Ay isang ugaling napakagandang halimbawa,
Utang na loob ay hindi dapat ipagwalang bahala,
Sapagkat busilak na puso ang kalakip ng salita.
Hindi kayang pantayan ng dagliang gawa,
Ang basta pasasalamat lang sa tamang Maylikha,
Walang pantay tulong, pagtanaw ang syang diwa,
Pagkat ito'y ugaling malinis at marangal sa kapwa.
Tandaan, "Taong kailanma'y di maalam lumingon
saan man galing, di darating saan man paroroon."
Pagkat ito ay maliwanang na sa dahilan,
Utang na loob ay kaya ng ibang talikdan.
***
Ito'y tulang orihinal na akda ni Ma.Kulet na inilathala lamang sa Bantog Si Kulet.