Mahabaging Bathala


Mahabaging Bathala

Maawaing Bathala

Ikaw nga po ang may likha

Langit man at lupa

Sayo lahat nagmula.


Bituin sa kalawakan

Maningning na kalangitan

Hangin sa himpapawiran

Halama'y nagsasayawan.


Mga puno ay kumakaway

Mga dahon winawagayway

Mga kawayan na yumuyukod

Sa halaman nakaluhod.


Mga ulap na mapuputi

Nagbibigay daan sa bahaghari

Pitong malinis na kulay

Pag-asang hatid ay tunay.


Mga hayop na naglipana

Hugis at galaw ma'y kakatwa

Ipinagkaloob ng kusa

Para makilala sa madla.


Mahabaging Ama

Sa tao ika'y di pabaya

Pagmamahal mo'y kusa

Nakalimot man silang di sadya.



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma