Wala ka ng dinasal taon-taon,
Umaasa parati sa pagbabago ng lahat ng sitwasyon,
Para sa bayan at para sa mahirap ang sigaw,
Palagi na lang sa tenga'y nambubulahaw.
Nakakaaliw sana kahit nakatutuyang pakinggan,
Hindi matanto kung ito'y kababawan o kabaliwan,
Puro simulain ang nais at walang katapusan,
Agaw eksena ang mga pinagpipyestahan.
Malawak ang mundo, bilyon nga taong nagkakagulo,
Lahat iba-ibang prinsipyo at simulaing gusto,
Kapag nag-uusap lahat ay walang sinasanto,
Pataasan lang palagi ng mga ng tono.
Dahil sa pagbabago, ikot ng mundo'y nagbago,
Mga dating mahal, nagmura!
At ang mura'y naging ginto!
Di man kasiya siya'y tinanggap ng husto.
Dahil sa pagbabago, mga bata'y apektado,
Larong harang taga at piko'y biglang naglaho,
Pati Chinese garter at luksong tinik ay di na nilaro,
Mobile Legends at Minecraft at iba pa ang inuso.
Dahil sa pagbabago, mga nanay ay nagluto
Ay sus Maria, nagpagalingan naman ng todong-todo,
Post doon, post dito, post kahit saan mo gusto,
Pagandahan ng kulay kahit filter ay sagad hanggang buto.
Dahil sa pagbabago, tiktok ay nangibabaw,
Pati si lolo at tatay, nagtakong at humataw,
Ginalingan ng husto kaya daming natuwa at naloko,
Hiya ay nawala, dinaig mga bata!... kaya bata'y nag-iba ang mundo.
Kay nga bayarin sa kuryente patuloy lumobo,
Dami kasing pinauso, kaya bayari'y nirereklamo,
Lahat'y may wifi, puro gadget ang pauso
saka magrereklamo sa buhay naka-online pa ang gusto.
Pagbabago ba ngayo'y kasiya-siya?
Pagbabago ba ngayo'y di na kaiga-igaya?
Ano ang sanhi bakit ito ang bunga?
Di ka na naman kuntento, di pa rin ba masaya?
Umusal ka naman ng dalangin,
Yung taos sa puso, at hindi lang dahil apektado ng hangin,
Ipikit ang mga mata at iyong alalahanin,
Pagbabago na naman? Paano ba darating?
***
Paliwanag: Sa isang kisap mata'y mundo natin ay muling mag-iiba. Babalikbalikan na lamang sa alala ang mga bagay na sa ati'y nagpa-inis , nagpatawa at nagpaluha pa. Hindi man lahat ay pangit, hindi rin lahat ay maganda. Subalit may magagawa ka ba pag lahat ng meron ngayon, sa paglipas ng panahon ay maglaho na lamang bigla? Ang pagbabago ay walang katapusan. Parang taong hindi makuntento, kahit hindi naman alam kung ano ang talagang gusto. Nagpapati-anod lang kung saan ang agos at kung ano ang uso. Ayaw magpapatihuli.