Heatstroke
Paano Maiiwasan Ang Heatstroke
Sa sobrang init ng panahon ay hindi mo na malaman kung saan ka pa pupunta para magpalamig. Tinatayang nasa buwan ng Marso hanggang Mayo ang panahon ng sobrang tag-nit sa Pilipinas kung kaya't sa mga buwan ding ito masarap magpunta sa mga resort at mga beach para maglunoy at magpalamig dahil sa maalinsangang panahon. Pero, isa rin sa mga kinatatakutang sakit sa mga panahong ito ay ang heatstroke.
Ano Ang Heatstroke?
Ang heatsrtoke ay isang karamdamang nagiging sanhi ng matinding pagkababad sa init ng araw. Ito ay ang dagliang pagtaas ng temperatura ng katawan dahil sa sobrang init at maaaring kasabay ng labis na aktibidad na pwedeng pagsimulan ng simpleng heat cramps at heat exhaustion at ang maaaring kauuwian ay heat stroke o sun stroke. Ito ay napaka-delikado sa mga taong may edad na o sa mga senior citizen.
Sintomas Ng Heatstoke
- nahihio o nasusuka
- nanghihina
- balisa ang pakiramdam
- masakit ang ulo
- manhid o namimintig na mga muscles
- hirap sa paghinga
- mabiis na tibok ng puso
- natutuyong mga dila
- pagpapawis ng malamig kahit mainit ang panahon
- pamumula o mahapding balat
- pagkawala ng malay
- pagtaas ng temperatura ng katawan mula 40°C pataas
Lunas Sa Nakakaramdam ng Heatstroke
1. Mahalagang agarang maisagawa ang pagbaba ng temperatura ng katawan sa normal na kondisyon. Para din maiwasan ang pinsalang maaaring matamo ng utak.
2. Pinakamabisang paraan ang manatiling hydrated lalo na sa panahon ng tag-init. Uminom palagi ng tubig at iwasan ang kape, tsaa, alak at mga inuming soda.
3. Limitahan ang madalas na pagbibilad sa araw. Mangyaring magsuot ng mga presko, maluwag at light-colored na mga damit lamang. Ang mga dark-colored na damit ay mas nag-aabsorb ng init na maaaring maging sanhi ng hindi komportableng pakiramdam.
4. Iwasan ang mabibigat na aktibidad kapag mainit na mainit ang panahon. Gumamit ng payong o sumbrero kapag lalabas para maiwasan ang sobrang sunlight exposure.
5. Mag-ehersisyo tuwing umaga o sa mga oras na tama lang ang init ng panahon. Magpahinga sa lilim na lugar na may sapat na espasyo para sa maaliwalas na pakiramdam.