Mga Kailangan Para Sa Online Distance Learning
Ilan taon na ba buhat ng magsimula ang pandemya? Isa ka ba sa mga hindi nakapasok noong unang taon ng magkaroon ng malawakang lockdown sa buong kapuluan? Marahil ay isa ka rin sa mga estudyanteng nakaranans ng hirap kung paano maipagpapatuloy ang iyong pag-aaral. Sino bang hindi?
Ang panimula ng Online Learning ay sadyang naging mahirap para sa lahat. Hindi lang sa mga mag-aaral na sabik na matuto kundi gayundin sa mga gurong nagbigay na ng dedikasyon sa kanilang mga piniling propesyon sa buhay.
Kalbaryo sa kaliwa't kanang pangangailangan sa magagamit para sa online distance learning ang puspusang pinagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral para makahabol sa naudlot na pag-aaral ng mga kabataan.
Anu-ano nga ba ang mga online materials na dapat ay mayroon ka bago magsimula sa Online Learning Class?
1. Desktop
Ang desktop ay isa sa pinaka-mainam na gadget para sa Online Class. Mas madali rin ang pag-upgrade nito kaysa sa laptop subalit may advantage man ay may mga disadvantage din ito gaya ng hindi mo ito madaling maililipat o madadala kung saan mo gusto. Dapat lang na masiguro na nasa lugar ito kung saan ay hindi ito nabibilad sa araw at dapat ay nakaksagap ka pa rin ng maayos na signal para rito. Ang pagpilis sa kailangan gadget ay dapat pag-isipan mabuti.
2. Laptop/Tablet
Mahalaga na mayroon kang sariling desktop/laptop na maaari mong gamitin para ikaw ay maka-attend ng online learning class. Importanteng malaman ang kapasidad ng iyong gadget na gagamitin para maging maayos ang iyong pag-aaral sa online. Marami ng mapagpipilian sa kasalukuyan na may magagandang paglalarawan at detalye sa kagamitan nito. Sumangguni lamang ng maayos sa mga nakakaalam tungkol dito para maayos ang inyong mapipili at magagamit sa inyong pag-aaral.
3. Cellphone/Mobile Phones/Smartphones
Kung sa kasalukuyan ay walang kakayahan para bumili ng desktop o laptop dahil na rin sa pinansyal na kakulangan at problema sa budget, maaari rin namang gumamit ng cellphone o smartphones na may magandang specification na pwedeng pwede rin namang gamitin para sa inyong online class. Iyon nga lamang ay kailangan mong malaman na may limitasyon ang kakayahan ng mga smartphones/cellphones kumpara sa maaaring magawa ng desktop o laptop. Magsaliksik pa rin ng mabuti tungkol dito para hindi ka maligaw sa pagkuha ng gadget na gagamitin.
4. Internet Connection/Wifi Connection
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Internet Connection sa pagpasok mo sa iyong Online Learning Class. Ito ang tutulong sayo para matugunan mo ang mga bagay na dapat mong malaman sa inyong klase. Nakabase sa signal at speed ng data na gagamitin mo kung paano ka makaka-attend ng maayos sa bawat klase na iyong papasukan sa online. Dapat mong alamin kung paano mo magagamit ng wasto at maayos ang iyong internet data sa makabuluhang paraan.
9 Gamit Na Dapat Meron Ka Kahit Online Learning Mode
5 Bagay Hindi Mo Dapat Itapon Kahit Online Learning Mode
Sponsored: