Sa Iyong Kaarawan

Sa Iyong Kaarawan

Isang tula tungkol sa kaarawan. Mga orihinal na tula sa Bantog si Kulet.


Sa iyong kaarawang puno ng saya

Ligaya't galak na iyong tinatamasa

Huwag lilimutin ang mumunting dasal

Yung araw-araw mong inuusal

Kalakip ng taimtim mong panalangin

Pasasalamat sa ating Maykapal


Huwag maiinip sa mga kasagutan

Ang lahat nama'y isa-isang pinagbibigyan

May oras para sa mga nararapat

Matutong makuntento sa anumang sapat

Huwag maggahaman para di mamuhay ng salat

Sapagkat di ipagkakait sa iyo ang dapat


Hindi man palaring matupad

Lahat ng inaasam para sa sarili

Kalusugan, kaligtasan at kapayapaang hangad

Kadamay ang pamilyang mahal ay di isasantabi

Pagkat walang katumbas na bagay o anumang halaga

Ang sa kanila ay maitatabi

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma