Mamaya Na! (Maniana Habit)

Ang Ugaling Mamaya Na!


Isang malikhaing tula tungkol sa ugaling maniana. Ang Mamaya Na!
Ugaling Maniana












Mamaya Na! Ang Ugaling Maniana


Ano nga ba ang kwentong Maniana,

kaugaliang Pinoy na sa iba'y dagling ipamana,

Yung patumpik-tumpik at lagi'y may 'saka na',

Pero sa katamaran, dagling tumatalima.

Sarap lang kumain at matulog

Bukas ay wala!!


Pwedeng gawin ngayon, pero sagot 'Bukas na!'

Ay! daming dahilan, wala namang gawa.

Mas maigi daw ang pulido at di madalian,

Yung bang kung gagawa ay pinag-iisipan,

Pero wag ka, salita'y di makatotohanan,

Pagka't kapag pinag-aralan...dahi-dahilan. 


Daming ganyan, kaliwat-kanan ika nga!

Kunsumisyon ni Inay, di mawala-wala,

Batugan na anak, kumportable sa na pagkakahiga,

Obligasyon sa apo, pangko na ng ilan,

Dahil maghanap ng trabaho, puro 'Mama-ya!'

Kung kaya biyaya ang unang nagsawa.


Teka Muna! Mamaya na! Pagod?

Dahilan mo'y di nauubos,

Nagsawa na ang buhok sa bumbunan,

at ipi'y nangangapudpod,

Panot ka na kung tititigan,

Puro ka pa rin dahilan! Di maubos-ubos.


Saka na! Yan ang Pinoy Maniana!

Katwiran ng karamihan na di kayang talikdan.

Hahamakin ang lahat, maniana'y masunod lamang,

hanggang dulo'y kayang ipaglaban,

Kayang kaya basta para sa

karapatang pangkatamaran!


Ewan! 

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma