Bukas
Bukas hindi ka na iiyak
Bukas hindi ka na mangangapa
Bukas may panibago ng simula
Bukas ay humanda ka nang magparaya
Bukas magliliwanag ng kusa...
Bukas sa iyong paggising
Bagong tahanan ang uunahin
Mga pasakit di na dadamhin
Bukas pati pait itatapon na rin
Mga mukhang ayaw mo ng makita
Ni sa bangungot magpapaalam na.
Bukas babangon ka't magsisimula
Ngingitian ka ng ningning ng umaga
Bukas sasamahan ka ng mga dahon sa hangin
Kasama ng mga ibon sa himpapawirin
Ulap ay sasayaw na may palakpak pa man din
Sasama pati ang buwan at tala na rin.
Bukas mga bulaklak mamumukadkad na
Makukulay na paru-paro'y babantayan ka
Mamumunga ang mga puno't halaman
Pipitas ang mamumuno't sinumang lilisan
Lahat mamumutawi ang ngiti
Magiging panatag pati damdaming sawi.
Pakikibaka'y di kailangan
Unawaa'y paiimbabawin
Bukas ang lahat ng hindi na kailangan
Maglalahong bula sa paningin
Walang posibleng gawin
Kundi ang pumikit at manalangin.
***