Ano ng Ba Ang Salawikain?
Ang salawikain ay mga kasabihang parating may pinaghuhugutan tungkol sa mga karanasan sa buhay. Ito ay animo'y pahaging o tama din namang pasaring o patama sa mga taong maaaring may pagkakahalintulad ang mga karanasankung kaya't ito'y nagbibigay pangaral sa karamihan sa tuwing ito'y bibigkasin.
Ito'y isang karunungan na maaari mong maipamahagi kanino man, maaari din namang bigkasin sa malayang pakikipagtalastasan o sa isang simpleng pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
Ang salawikain madalas ay kapupulutan ng aral at karunungan na maaaring maikintal sa isip ng sinumang makabasa nito. Narito ang mga salawikain sa iba't- ibang aspeto ng buhay at larangan at ang kahulugan nito. Ang magtanim ng karunungan ay hindi sindali ng paghahagis ng binhi na sumandaling panahon ika'y aani ng malulusog na palay para lang iyong maibahagi.