Paskong Salat

Paskong Salat


Sa paskong darating

Mataimtim na panalangin

Mga batang madudusing

Sa lansangan ay hwag abalahin.


Nakatutuyang pagmasdan

Mga bata sa daa'y lipana 

Nakahahabag na kaanyuan

Di tayo dapat maging pabaya.


Ang pasko ng mga bata

Sa puso'y nangungulila

Pasko'y masayang ipinamulat

Subalit pano kung sila'y salat.


Anhin mo makislap na bumbilya

Kung diwa ay pundido

Inam pa ang batang piso ma'y wala

Kumikinang sidhi ng puso.

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma