Ang Maglalako Ng Asin


Ang Maglalako Ng Asin

Ang tindera ng asin

Tinatakal ito ng masinsin

Bawat butil ay maalat

Sa bilao'y di makalat.


Sampu ang isang baso

Makakatimpla ng lasa

Kahit sa buong 'sang linggo

Di mauubos kung ika'y solo.


Bahog kanin na may asin

Ulam ng salat sa makakain

Di ipagwawalang bahala

Mauulam kahit ng pusa.


Asin man kung titingnan

Itatawid kalam ng tiyan

Pag-uwi sa kanyang tahanan

May kanin ng daratnan.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma