Muhi o Suklam

Muhi o Suklam

Isang maikling tula tungkol sa muhi o suklam. Ang tula patungkol sa damdamin na pagkamuhi o pagkasuklam


Mabigat na salita...

Masakit sa dibdib

Magaan naman sa dila,

May masamang adya.


Masakit pag tinuran

Sa may dala'y 

bigat din syang pasan

Makagaan ma'y

Sandali lang


Di ikakaila

Muhi'y pagkasama 

Udyok nakaririwara

Dangal mo'y lusaw bigla


Di man makataong gawa

Ipagdarasal o libakin kaya

Babalik balik ang muhi

Lalo't pacencia ang nawala.


Maaawa ka sa sarili

Pagpatol sa walang pasintabi

Ipagdasal na lang palagi

Sinasadya kaya iyak ka lagi


Anumang nakasusuklam

Wangis walang mainam

Biyaya kapos sa bisyo

Buhay walang tinutungo


Daranas ng hirap at poot

Pighati sadlak lolobo

Parang bulkan mang umaaso

Pasa-Dyos mo para di masalo.

***

Proverbs 6:16-19

Pito na kamuhi-muhi sa Panginoon. 

1.Mga palalong mata, 

2.sinungaling na dila, 

3.kamay na nagbububo ng walang salang dugo, 

4.puso na gumagawa ng masamang akala, 

5.paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan,

6.sinungaling na saksi ng kabulaanan 

7.naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma