Araw Ng Mga Guro

Pinakamamahal Na Guro



Sa mga gurong masigasig,

Sa pagtutuo ay di malulupig,

Karapatang ng batang may ibig,

Matututo kahit di ipilit,

Lalo't mag-aral kanilang hilig.


Masikap gumising ng maaga,

Kahit puyat ay aarya,

Pupungas-pungas man ang mata,

Aralin ay di ipagwawalang-bahala,

Para sa mga batang hubog ni Bathala.


Sila'y sadyang kapita-pitagan,

Kahit na nga ikaw ay makulit,

Kanila kang babantayan,

Kahit sabihan mang sila'y masungit,

Ikaw ay masidhing pagtityagaan.


Dedikasyon sa propesyon na sinumpaan,

Di matitibag ng anupaman,

Mapa-bahay o mapa-eskwelahan,

Si guro'y may pangaral sa sinuman,

Mag-aral maigi para sa kaunlaran.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma