Magbugtungan Tayo!

Tungkol Sa Bugtong


Ito ang pahina ng pinagsama samang mga bugtong na kinagigiliwan at kinawiwilihang bigyang kuro-kuro ng mga Pilipino noong araw na wala pang makabagong teknolohiya na pinagkakaabalahan ng karamihan ngayon. Ito ang ginagawang sukatan ng matalas na isip at dunong at ginagawang paligsahan ng kaalaman. 


Madalas ginagawa ang bugtungan bilang pampalipas ng oras at pampagising ng diwa sa iba't ibang pagkakataon. Ginagawa itong tagisan ng talino ng karamihan na naghahatid ng malalim na kaisipan sa mga kasali rito. Ang bugtong ay isang matalinhagang pagtatanong tungkol sa isang bagay na inilalarawan nito ng may pagka metikuloso. 


Sinasabing ito ay isang laro ng henyo at matatalinong tao sapagkat ginagamitan ito ng matinding pag-iisip upang matuklasan ang sagot sa isang masalimuot na tanong. 


Handa ka na bang subukan ang inyong kakayahan sa pagsagot ng mga bugtong? Naglalaman ang pahinang ito ng ilang mga nakalap na bugtong para sa iyong sariling kaalaman. Tuklasin ang mundo ng bugtong at maaliw sa pakikipagbugtungan.

Narito ang ilang pahinang maaaring makatulong para sa pakikipagbugtungan.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!