Huwag Mainip

Huwag Mainip

Huwag Mainip

Naiinip ka ba?

Di ka naman nag-iisa,

Sa panahong ang galawa'y hagibis,

Hwag kang maiinis,

Kung ikaw'y di kasingbilis...


Naiinip ka?

Dahil ba huli ka na,

Kahit di ka naman nakatanga,

Hindi maabutan ang iba,

Kahit ikaw'y tumakbo pa!


Maiinip ka?

Paano kung kasingbagal mo sila,

Hindi ka naman nag-iisa,

May panghihinayang pa ba,

Kung panahon mo'y ubos na?


May inip pa ba?

Kung kasabay mo'y masa,

Sa hakbang ay di una-unahan,

bagkus ay nag-aantayan,

At sila-sila'y naghihilahan...


Huwag mainip,

Huwag ding magmatulin,

Kung may tino'y may aanihin,

Mainam ding busisiin,

Mga bagay na hangad dalhin...


Pasensya'y huwag ubusin,

Sa bagay na sisira sa atin,

Kung di makatulong,

ay iwan na lang din,

Para buhay umusad na rin...

***



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma