Dalangin Sa Umaga


Dalangin Sa Umaga

Ako po'y nagpapasalamat,

Mga mata'y muling imumulat,

Ngayong araw ako po ay basbasan,

Kami po sana ay muling pasyalan.


Puso ko po ay nananalangin,

Kayo po Diyos ko na maawain,

Saksi ang langit at mga bituin,

Ako'y di winaglit sa inyong paningin.


Lubos po aking pasasalamat,

Biyaya po sa ami'y nagkalat,

Mamahagi man ay sasapat,

Lalo't puso ay dalisay at tapat.


Humihingi din po ng paumanhin,

Sakaling puso ma'y maninimdim,

Mainit na ulo po sana ay haplusin,

Sugat at paso inyo pong pagalingin.


Kayo po sana ay aking maramdaman,

Pamilya po namin ay inyong hagkan,

Sa masamang biro kami po ay ilayo,

Sa inyong mga bisig kami po ay itago.


Ilayo nyo po kami sa mga hangal.

Sa mga mapanakit at mapanuring mga nguso.

Salamat po sa inyong pagmamahal,

Sa kasalanan ay di madaling nararahuyo..



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma