Paskong Pinoy sa Pinas
Setyembre pa lamang
Ang iba'y mayroon ng palamuti
Sa bahay ay kumukutitap
Mga bintana at Krismas tri
Sa mall nama'y umaalingawngaw
ang tinig nitong si Jose Mari
Malamyos ang bawat saliw
Pambansang pamasko,awitin may kiliti
Puto bumbong na malagkit
Gutom mo ay mapapatid
Sigurado may take-out ang paslit
Para sa tsokolateng mainit
Simbang dati'y madaling araw
Di makakaligo dahil sa ginaw
Simbang gabi bago alas-dose'y humalili
Para mga antuki'y talagang makasali
Siyam na gabing misa
Di ipagpapaliban kahit na isa
Panalangin ay puno ng pag-asa
Basta't sa simbahan sila'y magkasama