Luzviminda
Luzviminda |
Isa kang dalagang maganda,
Wangis ng birheng pinagpala,
Busilak ang iyong puso,
Gandang di nakakasawa.
Sa 'yong mukha mababanaag,
ang tiwasay na pamumuhay,
sa malamyos mong tinig,
ang lumbay ay di babagay.
Kayumanggi ang yong kulay,
buhok ay mahabang tunay,
ganda'y winawagayway,
dayuha'y manghang walang humpay.
Para bang anghel na buhay,
may dalang biyayang tunay,
sa kilos mong banayad,
wala itong katulad.
Kayamanan ka ng 'yong lahi,
simbolo ka ng pag-asa,
sinag mo'y pinagpala,
kaya't yaman ka ng bansa.
Halaga mo'y dinadakila,
kariktan mo'y akit sa madla,
subalit sa dami ng pabaya,
ikaw'y ay pinagdurusang sadya.
***