Panaginip


Nakamamanghang sadya,

Ang iba nama'y nakabibigla,

Minsa'y gigising kang paluha-luha,

Sa kilabot ay sadyang nakagigitla...


Kung nakatatawa'y anong kulit,

Panaginip gustong paulit-ulit,

Biloy mo sa pisngi'y sisilip,

Pagmulat magaan na muling iidlip.


Panaginip ay makahulugan,

Makikita't maraming mapatutunguhan,

Maaabot mga lugar na di napupuntahan,

Makatotohanan at may kababalaghan.


May maliwanag at may madilim,

Paulit-ulit mang alalahanin

Pandalas ay nakakallimutan din

Lalo pa kung sa pagtulog ika'y napahimbing.



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma