Bahaw

Bahaw, Isang tula tungkol sa kaning lamig.


Bahaw

Bahaw...kaning lamig sa ilan kung ituring,

Pangminindal sa hapon kung ito'y kinakain,

Pamatid gutom kumbaga ng sikmura natin.

Kaysa sa kung anong pagkakagastusan pa rin,

Bahaw na lamang ang kanyang ihahain.


Kung sa iba'y pagkain ito ni muning,

At sa ilan nama'y kay bantay na askal ipakakain.

Ano't may ilan na ito'y grasyang ilalapag sa'tin,

Lalo na't kung bulsa'y salat sa araw-araw na pangkain,

Bahaw na kanin, lubos ipagpapasalamat pa rin...


Hwag namang ismolin bahaw na lamig kanin,

Maraming nabubuhay kapag ito'y naihain,

Sa kahoy na lamesang pati talampakan ay pudpod,

At katerno ng bangko na pagkapangit na ubod,

Aalalay sa among sa pedestal animo'y nakaluklok.


Sa makabagong panahon, bahaw ay nagbabago rin,

Iinitin at sasangkapan ng kung anu-anong pangkain,

May ilan pang palamuting tyak magpapatakam sa 'tin.

Ngunit anuman ang maging bihis at kanyang kaanyuan,

Bahaw ay 'wag iwaksi at pagpapahalaga'y wag makalimutan,


Lamig na kaning bahaw sa nangangasim na sikmura,

Grasyang itinuturing ng ating dakilang madla,

Anuman sa paningin ng di makabansa, karamiha'y dito nagmula...

Bahaw man ito sa paningin, sa ilang mapera'y di ito pagkain,

Wag na lamang intindihin at wag na rin magsayang ng sinaing...

Join Involve Asia Now!!


***

Paliwanang: Ang Bahaw ay kaning lamig na madalas pantawid gutom kasama lamang ng kahit anong sawsawanmayroon sa kusina. Kilalang tawag ng mga kapuspalad dahil ito'y tipikal na kinakanin ng salat sa pera. Hindi natin dapat ikahiya ang pagkain ng bahaw, bagkus dapat nating kilalanin ang katawagan sa kanya dahil nasasalamin kadalasan sa ating pinagmulan ang ating patutunguhan...

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma