Puno At Bunga

Puno At Bunga

Isang malikhaing tula tungkol sa puno at bunga


Ang puno kapag mayabong

May lilim kang masasalubong

Sa punong kay labis ang tikas

May sandalan kang maaasahang likas


Kung ano nga bang puno 

ay syang rin ngang bunga?

Sa pagkakadilig kaya'y magkapareha?

Sa pag-aalaga kaya'y iisa?


Ang puno kapag namunga ng sandamukal

Ang kakain nito'y di mo makakalkal

Sa dami'y tiyak mananamasa

Sandamakmak na biyaya para sa masa


Ang mga buto kaya'y saan mapupunla?

Maibabaon pa rin kaya sa matabang mga lupa?

Na diligin wari'y uusbong bigla?

At dagli ring maghahatid ng biyaya?


Sa haba ng panahon na paghihintay

Ang buto kaya'y mabubuhay ng walang sablay?

Ang bitamina kaya nitong nakuha'y

Malalampasan ang bunga ng puno nitong tunay?


Anuman ang maging bunga na galing sa puno

Ang lahat ay totoong biyayang mapagtatanto

Maaring makahigit man sa pinanggalingang puno

Maaring labis man at maging ginto


Huwag pa rin umasa sa pareho nitong tubo!

Magmasid at maging mapanuri kuno

Para mga daho'y di magkalagas-lagas

At sanga'y di magkabaklas-baklas


Di naman ganun kadali

Kung bunga'y pait ang isusukli

Sa nagdaang mga panahon

Sino nga ba ang naging mapagpunyagi


Ngunit may tainga ang mga lupa

At may pakpak ang mga balita

Maglaan lamang ng tamang panahon

Kaalaman ng lahat ay babangon


Iakma natin sa panahon

Ang pag-aalaga ng buto ay kakaiba ngayon

Di iyan kagaya nuon

Sa lawak ng lupa'y masagana ang paroroon.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma