Bubot

Bubot

Isang malikhaing tula tungkol sa pagiging bubot pa o edad na wala pa sa tamang panahon.









Bungang bubot sa paningin,

Kapag nakita sa sanga'y sarap pitasin,

Madalas pag kinagat di mo nanaisin,

Di na muli pa itong kakanin.


Mapakla at minsa'y mapait,

Dahil nga bubot lasa'y iba rin,

Sadyang ito'y di pa dapat kuhanin

Pagkat kung hinog ay mas matamis kainin.


Meron kana bang nakita?

Bubot na bungang masarap ang lasa?

Di baleng manibalang pwede pa,

Huwag sayangin ang bubot na bunga.

***

Paliwanag: Ang salitang bubot ay tumutukoy sa bagong bunga na nagsisimula pa lang lumaki sa sanga. Hindi pa ito dapat kainin at di rin dapat kunin. Ang lasa nito ay mapakla.Ang alinmang bunga na kinuha sa maagang panahon ay di lalasa gaya ng bunga na nahinog sa tamang panahon.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma