Kayumanggi Ang Kulay Ko

Isang makabayang tula tungkol sa pagiging Pilipino. Tula tungkol sa pagiging kulay kayumanggi.

Kayumanggi Ang Kulay Ko


Kayumanggi ang kulay ko

saan man dako ng mundo

ito ay ipagpupugay ko

puso ko ay ginto

loob ay puro't dalisay

Isang taong sukdol

labis ginoo habambuhay

yumuyukod pero 

nangangatwirang tunay

di basta patatalo kahit agaw-buhay

bagyo mang humaging

kapit-bisig saan man palarin

di rin pauusig kahit manimdim

pagkat ayaw sa manlulupig

babangon at di pauusig

isusulong ang pangako

pag-asa'y di ipapako

magpapatuloy sa buhay

lalaban kahit mamatay...

***


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma