Ang Pasko ng Paslit



Ang Pasko Ng Paslit

Pasko nitong paslit

Kahit na sila'y yagit

Hindi dapat iwawaglit

Di dapat parang pilit.


Mahirap man sa ngayon

Ika'y maging mahinahon

Pagkat tanging panahon

Pasko sa ati'y magbabangon.


Maliwanag sa mga mata

Maningning na mga tala

Puso'y di magluluksa

Pagmamahala'y magkukusa.


Mga paslit na huhumihiyaw

Sa galak ay sumisigaw

Kahit ice cream na ay tunaw

Kaligayaha'y di lusaw.


Sa pagbubukas ng regalo

Tahip galak ang matatanto

Sa aginaldo'y napapahinto

Nagigislap mga matang mugto.


Galak nila'y ikatuwa natin

Lahat ng pait kayang daigin

Pagmamahal ay ating bigkasin

Mananaig ang kabutihan sa atin.



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma