Buhay Dalita

Buhay Dalita

Tula tungkol sa buhay ng isang dalita.


Bakit nga ba mahirap ang maging dukha?

Kahit di naman ito sinasadya

Kung ipanganak ka nga bang isang dalita

Dapat bang hamakin ka ng madla?


Sa panahon na akala'y madali ang lahat

Nuo'y mga mamahaling gamit

Ngayo'y makakamit kahit ng salat

Mga bagay kahit saa'y nagkalat.


Sikmurang gutom ay papawiin

Kahit piritong turon lamang kakainin

Dati'y saganang tubig ang inumin

Ngayo'y tinakal na'y mahal pa din.


Kasuotan ma'y maging marangya

Di pa rin ligtas sa pintas at pamamahiya

Ibinigay na nga ng iba na kusa

May presyo pa ring nagbabadya.


Hungkag na ba ang buhay sa mundo?

Di na masalamin totoong kinang sa ginto

Madalas di mo na rin mapagtanto

Kababawan ba o pag-iimbot lang ng tao.


Hindi na kayang tantyahin

Kahit pa taimtim na panalangin

Nang kahit sino pang madasalin

Mangingilag at mangingilag din.


Nakakalungkot ang bawat sitwasyon

Puro hapis kulang ang solusyon

Dahil na rin sa iba't ibang kondisyon

Masalimuot maski prusisyon.


Hindi naman dapat ikahiya

Kung ipanganak man sa lusak at dukha

Magsikap at magsipag kang kusa

Aapaw ang taos pusong biyaya.


Wag lang laman ng bulsa ang paapawin

Kagandahang asal din ay pairalin

Ugaling barumbado iyo ring baguhin

Magarang gamit di ito kayang burahin.


Magkusa kang magbago din

Pagpapakitang gilas inyo ring hawiin

Kalooban mo'y iyo lang sisikilin

Kung puro pagkukunwari ang lilingapin.

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma