Ang Bata sa Paglipas ng Panahon

Mga Bata Noon At Ngayon

Isang tula tungkol sa pagkakaiba ng mga bata noon bago lumaganap ang kompyuter at makabagong gadyet at mga bata sa kasalukuyang panahon na laganap na ang makabagong teknolohiya.
Bata Noon At Ngayon







Ang Bata Sa Paglipas Ng Panahon


Bata Nuon! takbo rito, takbo roon,

tagu-taguan kapag kabilugan ng buwan,

harang-taga pag natapos at aral naman bago hapunan,

jolens, text o piko kung talo na sa laro,

pagkatapos ay kakain na para bang ayaw ng tumayo,

pati bahaw ay talagang lalantakan,

tapos ay manonood ng pelikulang bakbakan.

at pagkatapos ay matutulog ng pagkahimbing himbing,

At sa pagod kinabukasan na ang gising!

pero wag ka! may ngiti sa labi ng batang tulog

at hindi mo sila basta basta mabubulabog.


Bata Ngayon? Ganito!

...nakaupo, tatayo pero babalik lang uli sa upo!

tatago ng tatago sa nanay...

syempre para laro ay maging walang humpay!

ayos lang sana kaya nga lamang ay...

maghapon nag-compyuter, mata'y di nangangalay!

Pati pagpasok sa online, tinatanghali pang tunay!

Luluwa-luwa ang mata ng nanay,

kakatawag kay bunso ng walang habas at humpay.

Kain na! Ligo na! Tulog Na! Sigaw lagi ng Inay...

Ba't ang hirap tawagin! Ikaw ang maghintay!

Kakain na lang at uupo, liligo na'y tamad pang tumayo!


Ay sus, Marianong garapon suklob ng langit at lupa!

Bakit ba kasi kapag nga tao ang may likha,

Imbes makatulong, para bagang mas nakasisira!

Makabagong teknolohiyang kinababaliwan ng madla,

Utak ng mga bata, sa compyuter ay gilalas na sadya,

Ang haba ng ginigugol sa google, ay nakakahiya!

Pati na nga mga simpleng bagay, 

itatanong pa rin kay siring 'kala mo'y tunay!

Mga batang madudunong pa sa nanay,

Di na talaga masaway-saway!

Kagustuha'y nasusunod wag lang magulo ang buhay!

Patayin mo ang wifi, gyera agad sa buong bahay.


Ang bata sa paglipas ng panahon,

Di mo mawari saan paroroon,

Ang dati'y pluma at papel na gamit sa kamay,

Kinatatamarang gamitin at wala ng kabuhaybuhay,

Mga tipahing letra na parang sa makinilya,

Sa kuryente'y babad kaya maktol ang tagabayad,

Ay! Mabilis pa sa tao kung magsulat!

Kaya mga bata'y nagsipagtamad, 

Pati libro'y di na mabuklat, buklat ma'y di na rin sapat

May google na'y magtatanong pa ka'y nanay

Mga bagay na di madiskubre sa buhay


Pagalitan mo ng walang sablay,

Naku at pagkasamasama mo ng tunay!

Irereklamo kay tulpo o sa baranggay

Kahit ika'y kadugo pa ngang tunay...

***

"Ang Bata sa Paglipas ng Panahon", ay isang malikhaing tula base sa obserbasyon ayon sa pamumuhay ng mga kabataan sa panahon na aking inabot at patuloy na nasusubaybayan sa pagdaan pa ng mga panahon. 

____

Sponsored:
Diary Of A Wimpy Kid by Jeff Kinney Collection 16 Books Boxed Set

16 Books box set Roald Dahl Collection Children's Literature Novel Story Book Reading for Kids Learning English Chapter Book

Captain Underpants Collection by Dav Pilkey

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma