Kaya Pa Ba

Kaya Pa Ba?


Kaya Pa Ba Talaga? Kaya Nga Ba? Kaya Nyo Ba? Kaya Natin!


Habang nakaupo't nanunuod sa kanya

Ang sigaw ng nag-iisa at nakaramdam ng dusa

Ng mga taong himihiyaw at humihingi ng pag-asa

"Kaya nyo pa ba?"


Kapag ikaw'y wala ng ginawa kundi ang kumayod

Sa maghapon di iniisip ang anumang hapo't pagod

Kapag ikaw'y araw-araw kinakalaman ng sikmura

Ang init at parusa'y di naman na talaga alintana


Kapag ikaw'y matagal ng nagsawa at napagod

Sa mga kasinungalingan at mga palusot

Kapag ikaw'y manhid na sa kakaantay at kakapatianod

Mga pangakong madami pa sa tala kapag pinapanood


Kaya Pa Ba?

Kaya Nyo Ba?

Kaya Nga Ba?

Kakayanin Ba?

Kaya natin ang higit pa!


Mga salitang di na tugma sa panahon

Pagkat ang nanahimik na nga minsa'y nagkaisang tunay

Gumagalaw na ng kusa kahit walang lagay

Papanig sa tama at tutulong maging gabay


Magiging maliwanag na tanglaw ng iba sa buhay

Para sa pagkakalihis ng mga landas maitamang tunay

Para dangal ng bawat isa'y di na mabuway

At di na mapariwara sa mga bulaang gabay.

***

Nakakapagod ang managhoy. Nakakasawa man sa pakiramdam dapat pa rin nating ipaglaban ang kagandahan ng mamuhay ng may dangal at puso. Huwag iisipin ang puro sakripisyo. Bagkus ay gawing gabay ang pagmamahal sa mga anak at gawai'y araw-araw isapuso.Ma.kulet man sa paningin, mamumulat ka rin!!

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma