Unawang Maigsi

Unawang Maigsi


Unawa ang dahilan,

Pag-aaway ay tantanan,

Unawa sa bawat mali,

Tinig ay may paghikbi.


Pasakit na syang nakamit,

Bumaon na napakasakit,

Kapag pang-unawa'y naumid,

Walang tibay... mawawaglit.


Kung may paumanhin man,

Na sa puso'y masusuklian,

Kung ika'y syang namimighati,

Maano't iyo nawang mawari.


Unawa mo na kay igsi,

Kapag nadapa'y winawaksi,

Ang inukol na sumandali,

Singhaba lang ng dakal na pisi?


Ang mabatukan sa buhay,

Dala mo habangbuhay,

Pero ang di ka matauhan ay

Siyang katangahang tunay...


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma