Hindi Ako Pikon

Hindi ako pikon

Isang nakatutuwang tula tungkol sa pikon.

Hinding hindi ako pikon

Ayoko lang ng makulit

Hindi rin ako galit

Ayoko ng namimilit

Hindi ako masungit

Ayoko ng sumisingit

Huwag kang paulit-ulit


Hindi ako nagagalit

Mata ko ma'y nandidilat

At hindi naniningkit

Hindi ako magsusungit

Kahit ika'y busangot

At nguso'y pulupot

Hindi ako maaasar!


Huwag mong uulitin

at ika'y masasabon

Basta't di ako pikon!

Mang-asar may di tatalab

Katusuha'y tiyak papalpak

Maglupasay pa sa Hapon

Di magdiriwang maghapon


Wag kang makulit

Mata ko'y lapit nang maningkit

Wag mag-alala't di magsusungit

Huwag kang magpipilit

Baka bagang ko'y magdirikit

Kahit di ako maasarin

Ako'y nama'y madasalin


Pag ako na'y nanalangin

Iiwas mo na ang panga 

Pagkat nanununtok din

Marunong lang umasinta

Magtago ma't magmatulin

mahuhuli ka rin...

Saka na ang paumanhin.


Hindi nga ako pikon!!

***

Ito'y tula lamang po. :)

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma