Panalangin




Panalangin


Ang aking panalangin,

Dasal ko'y inyo pong dinggin,

Ang akin lang pong inaasam,

Sa akin po kayo'y wag magdaramdam.


Sa pagkakataong kayo'y limot,

At ako po ang nagkulang,

Buhay lamang po'y masalimuot,

Kung kaya't nawiwindang.


Pangakong ng pusong wagas,

Hanggang buhay ay magwakas,

Kayo po ay mamahalin,

Ako po ay wag lilimutin,


Ako po sana ay pangkuin,

Kapag paa''y nalumpo na rin,

Kapag mata'y wala ng makita

Sana'y magparamdam din.


Maging pandinig man ay mawala,

At bibig ay 'di makapagsalita,

batid ng puso kong nangulila,

Kayo sa tabi ko ay di nawala.


At kung sakaling pandama ay wala na,

At buhay man ay lumisan ng kusa

Ang lahat ng ito'y sa'yo lang ipauubaya,

Pagkat ako'y sa'yo din lamang nagmula...

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma