Kayod Kalabaw


Kayod Kalabaw

Kung gumising ay napaka-aga

Kape't pandesal ay sapat na,

Sa ininom na 'sang basong tubig

Sa pawis pag natipon ay lalabis.


Bakit nga ba puspusan

Kung magtrabaho'y babaran,

Babad sa init, pawis ay tagaktak

Sikat man ang araw, tiyak babatak.


Basta trabaho'y kanyang tatapusin

Hirap at pagod ay titiisin,

Sakit ng katawa'y di iindahin

Kahit gumulong pa sa buhangin.


Ang kumakayod na parang kalabaw

May ibay at lakas na umaapaw,

Sa hangaring magtagumpay

Dala ang sipag hanggang kabilang buhay.

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma