Masidhing Panalangin


Masidhing Panalangin

Kami po ay dumadalangin
Sana po ay kupkupin
Sa inyong mga bisig
Kami po ay payapain.

Panahon man po'y pabago-bago
Sa pagsubok ay binabayo
Gumigiya man ang paligid
Kahit sa tubig ay sumisid.

Sa panalangin kami'y mananambit
Patuloy kami ay kakapit
Yayakap po ng mahigpit
Hindi bibitaw ni saglit.

Kami man po ay binabagyo
Maniniwala pa rin po sa inyo.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma