Balimbing

Balimbing

Balimbing,Tula tungkol sa balimbing,


Maasim kung hilaw, manamis-namis kung hinog,

Balimbing na prutas sa mata'y wari parang irog,

Hugis estrelya'y mapupuna sa katawang mabilog,

Kaakit-akit na prutas, ang benepisyo'y magpalusog.


Sa Pilipinas, itong balimbing ay kilala't sikat,

Sa tropikal na bansa, itong prutas ay talagang nagkalat.

Sa may sipon at ubo'y mabisang ipangatngat,

Mainam na bitamina C, makukuha ng sapat.


Subalit ano itong sa bansa'y kilalang balimbing,

Hindi nangangatngat at walang mabisang pagalingin.

Hindi rin prutas o bagay na may pakinabang sa'tin,

Kundi nasa paligid na minsan animo anay na sisira sa atin.


Minsan kunwa'y kaibigan, kakampi at karamay mo pa,

Kapag ika'y sanay na, kulay na tubog ang mahihinuha.

Mamulat ma'y huli na pagkat pagkagaling magmanipula,

Mapagbalatkayo at mga doble-kara kung iyong makikita.


Mainam pa ang prutas, nanaisin mong kanin maya't-maya,

Makasim ma'y matamis pa ring mag-aadya,

Kaysa mabitag at maakit ng nagbabalatkayong mukha,

Na pag ika'y bahagyang natalikod, masahol pa sa anay kapag nanira.


Maasim man na prutas sa iyong paningin,

Kunin mo't kanin para lagnat, ubo't, sipo'y pagagalingin.

Kaysa sa mga Marites na balimbing kung ito'y tawagin,

Magbago man ang sa kanya'y tawag...nakakalason pa rin.

...

Paliwanag: Mag-ingat!


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma