Mga Pambansang Sagisag
Ang ating Pambansang bandila
Winawagayway ng may panunumpa.
At si Gat. Jose Rizal,
ang ating bayaning yumaong dinadakila!
Ano ang Pambansang Wika?
Tagalog ang taal nating salita.
At ang Pambansang Kasuotan?
Baro't saya at Barong tagalog na pasadya
Ano ang Pambansang Hayop?
Ito si Kalakian, ang kalabaw na malaki ang tyan.
At ang Pambansang Prutas?
Syempre, mangga na hugis nya'y pagkaganda.
Ano ang Pambansang Puno?
Ang narrang mayabong, tikas-tindig sa lupa.
At ang Pambansang Bulaklak?
Ay ang sampaguita, na dalisay sa pagsinta.
At ano ang Pambansang Gulay?
Ang masustansyang si malunggay!
Ano ang Pambansang Laro?
Ito ay arnis, na walang gawa kundi ihagis.
Ano ang Pambansang Sayaw?
Ang sayaw na tinikling, sa paa'y naka-iipit rin.
At ang Pambansang Isda?
Ay ang bangus na makintab na sadya.
Ano ang pambansang ibon?
Ang agilang makisig umaga't hapon
At ang pambansang ulam?
Ano't ang napakasarap na litson!
Ano naman ang Pambansang Dahon?
Ito ay anahaw, sa ganda'y pwedeng makasilong.
At ang Pambansang Hiyas?
Ay ang perlas ng silangan na sa puso'y mananahan.
Sino ang Pambansang Kamao?
Siya si Pacquio na maginoo.
At ang Pambansang Pamalo?
Tsinelas, ang natatanging bakya!
Na kapag ang mga ito'y di sinaulo,
Nanay mo'y makukutya,
Kaya humanda sa pagtakbo,
Ay, malalagot sa tsinelas na bakya.
Dala-dala ni nanay na mag-aalburuto mamaya!
***