Bagong Kalendaryo
A-uno ng taon kung isabit sa pinto
Enero ang siyang unang buwan
Talagang nakagagalak kung tingnan.
Maingay, makulay,
May magandang sumisilay,
Bagong pag-asa sa buhay
Ang kanyang tinataglay.
Una'y Enero, kasunod ang Pebrero
Namumula-mula sa pagsinta't pagsuyo
Walang pangamba't agam-agam
Masidhi at tagos puso.
Marso, Abril, at saka Mayo,
Hunyo, Hulyo, pati Agosto,
Mga buwang ika'y nararahuyo
Sa ganda ng buhay sa mundo.
Setyembre at Oktubre
Sa selebrasyon nama'y di pahuhuli
Pati na nga ang Halloween party
May katabi pa nga na Krismas Tree.
Pagsapit naman ng Undas
Pangangaluluwa'y di nangungupas
Kahit pa iba'y kumakaripas
Sa takbuhan walang kakupas-kupas.
Pero pag sibol ng mapulang ponsetya
Simoy ng Disyembre'y naryan na!
Ang kumaripas ay maytangan ng barya
Para muli'y alugin at bilangin sa kalsada.
Bago na namang kalendaryo
Ang siyang magsisimula...