Ang Babae

Ang Babae

Isang maikling tula tungkol sa kababaihan. Isang nakakaaliw na tula tungkol sa mga babae.

Ang babae daw kapag nagagalit

Iwasan pagkat salita'y hagupit

Tamaa'y hwag magagalit

Bato-bato sa langit

Mananapak kapag sila'y kinulit.


Babaeng masungit

Ilagan mo't baka ika'y mapulbos

Sabunang walang habas

Mata mo lang ang walang galos

Wag galitin para lahi'y di maubos.


Di yan aatras itak ma'y di makagalos

Nuno mo'y siguradong aalsa at hahangos

Matalas na dila'y daig pang hinasang lubos

Hala, tumayo na at ikaw'y maghilamos

Bago ka pa makutos!


Babae kapag nagsusungit

Nguso'y nangungulot at mata'y nanunulis

Kilay ay salubong sa galit

Biloy ay lubog, ngipi'y nagngingitngit

Bibig nyan'y kuyom pilit.

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma