Dahon ng Saluyot



Dahon Ng Saluyot


Kung hindi mo pa ito nakikita,

Sa palengke ika'y pumunta,

Saluyot na dahon ay 'yong makikita,

Mabibili sa murang halaga.


Daming benepisyong pangkalusugan,

Mainam din sa bituka at sa tiyan,

Subukang kumain ng gulay na ganire,

Sobrahan mo't baka ikaw'y magtae.


Kung ikaw naman ay natitibe,

Ay! pagkainam nya! S'ya sige!

Lutuin lamang ito ng maigi,

Kumain ng sapat para sa ikabubuti.


Kung sa pagandahan ng katawan,

Saluyot ay iyo daw maaasahan,

Sa kutis daw ay pampakinis,

Sa katawa'y pampagandang walang mintis.


Ano nga ba ang sa kanya ay makukuha,

Ito'y gulay ngang pinagpala,

Pag kinain bad cholesterol ay mawawala,

Aaliwalas din ang yong mukha!


Kayat kung saluyot di mo kinakain,

Simulan mo na itong pansinin,

Ang sustansyang hatid sa katawan natin,

Biyaya ng Maykapal na nagmamahal sa'tin.

***


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma