Pangarap na Pasko



Pangarap Na Pasko

Dalawang taon nangulila

sa paskong nawala

nangagkulong na bigla

natakot at lahat nabahala

pasko'y di inalintana...


Pasko'y muling sisilip

dalawang taon ikinainip

pandemyang masungit

dasal sanay di umulit

para pamilya'y mayakap ulit.


Mga luha'y umaagos

sa puso'y tumatagos

pangungulila ng lubos

sa pamilyang naubos

parang kandilang naupos.


Pangako'y muli sumilay

mga bitui'y nagkamalay

hanging malamig humahampay

nagpaparamdam ng tunay

kapaskuha'y muling mabubuhay.


Liwanag nangagsitamlay

pangamba ang inialay

nakaraang pasko'y nahimlay

sa pangambang ikamamatay

ang makisalamuha sa buhay.


Ngayo'y may pumupuslit na pag-asa

sumisilay na ang ngiti at saya

kislap ng bumbilya'y nanghahalina

nakagagalak at nakasisiya

kapaskuha'y ramdam na...


Kaya't mga batang paslit

na aginaldo'y di nakamit

ngayo'y tiyak ng mangungulit

pagkat maaari nang ipilit

sariwain ang paskong sa kanila'y ipinagkait...

***

Give the Gift of Reading with Kids Discover

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma