Ikaw Ang Ilaw Ng Tahanan


Ikaw Ang Ilaw Ng Tahanan


Nuong ako'y isilang 

Walang muwang kaninong sinapupunan

ang sa akin ay magluluwal sa mundo,

batid naman ng damdaming

puno at nag-uumapaw sa galak

ikaw na aking ina'y biyayang taos-puso.


Pagkat pinagkaloob ka ng maluwat

kung kaya't ako dapat sa'yo'y magpasalamat,

dahil ika'y syang liwanag na busilak

ang sa aking buhay ay magpapaunlak

Ang biyaya at masaganang buhay 

na di kulang sa simpatiya at alab.


Pagmamahal ipararamdam habang buhay

dakilang ina ikaw sa aki'y inalay 

ng Poong Dakila para angking buhay

ay siguradong maging makulay.

Ikaw ang instrumento upang di mabuway

at ika'y ilaw na tanglaw sa aking buhay.

***


Pasasalamat sa mga 'Nanay' na naging instrumento para tayo ay isilang sa mundong ibabaw. Sa aking nanay...salamat!! 

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma