Ang Pintasero

Ang Pintasero

Ang pintasero

Ay taong pala-puna

Di nakukuntento

Kapag iba'y masaya

Di natatahimik

Hangga't di nakakakutya


Sa gawain ng iba

Sila'y di kuntento

Sarili nilang gawa

Ang ibinibida nito

Di papadaig

kahit pa ito'y imbento.


Sila'y sikat sa pulu-pulo

Kung umasta'y

Laging walang preno

Kapag naman binati

Wagas sa alburuto

Di maawat kakareklamo

***

Ang pamimintas ay di gawaing mabuti. Para di makapanakit, umunawa rin ng kaunti. Kababaang loob ang nawa'y laging mamutawi. Para ang makigalit sa kapwa ay ating maiwaksi.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma