Mariang Kulet Sa Tinubuang Lupa
Ang alon ay di nagmumula sa tubig
Bagkus malakas itong tumatahip sa lupa.
Ang alab ng damdamin sa pag-ibig
Ay bagyong dumudungis ng kapwa.
May pighati at lumbay sa damdamin,
May kimkim sa pusong sikil sa gunita.
Di alintana ang magagandang hangarin,
Pagkat sa puso'y may laksa-laksang diwa.
Ang kanyang langit na makulimlim,
Magliwanag ma'y lumlom ng alapaap pa rin.
Sa pangarap nyang siwalat di magninimdim,
Ihahatid sangkatutak na adhikain.
Mga pangarap na sa bawat isa'y susukat,
Di mawawaglit kahit anong kamukat-mukat.
***