Hapo

Hapo



Hapo...


Ano ba ang sa'yo ay papawi

Luha ma'y di napapatid kung sawi

Anhin ba ang panyong di mahawi

Sukbit man sa balikat mong manipis na wari.


Hapong-hapo sa luha't pighati

Pagtangis di mawaglit kahit sumandali

Parang paghingang sa iyo'y nakatali

Pagkat may poot din na naghahari.


Kakayanin pa ba ang magtiis

Kung lahat sa'yo ay kinuha ng mabilis

Wala ng itinira'y sila pang nagmalabis

Pati tangan pang dasal na naghihinagpis.


Hapo sa damdamin ay umaapaw

Sa mata'y umaalpas at syang tanaw na tanaw

Hindi maikakaila pagkat mata'y nakaluwa

Maski luha ay lumalabas na kusa.


Kapag damdamin ay labis ng napagod

Pakiwari mo ba'y para ka ng tuod

Anuman ang naririnig at nakikita

Madalas ay wala ng halaga...


Ikaw ba'y nahahapo?

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma