Salawikain: Ang taong tamad palaging kapuspalad
Salawikain Tungkol Sa Tamad
Tungkol Sa Tamad
"Ang taong tamad palaging kapuspalad"
Paliwanag: Ang taong walang kahilighilig magtrabaho kundi ang gawa lang ay kumain, matulog, magreklamo at madalas ang mga taong tamad at palaasa at karaniwa'y mga walang asenso. Malayo ang kinahihinatnan ng kanilang buhay kumpara sa masumikap at masipag sa buhay. Palaging kapos sa pangangailangan at walang ginagawa kundi humilata at manood. Ang kakapusan sa lahat ng pangangailangan ay kakambal ng mga tamad.
***