Tungkol Sa Talino
Salawikain: Ang isip parang itak, habang hinahasa ay lalong tumatalas.
Salawikain Tungkol Sa Talino |
"Ang isip parang itak, habang hinahasa ay lalong tumatalas."
Paliwanag: Kung ang talas ng itak ay sa batong panghasa nahihinang, ang talino at dunong ng isipan ay sa pag-aaral at pagbabasa naman nahuhubog para dumami ang alam. Ang pag-aaral ay nakakatulong para ang kaalaman ay lumawig at maging malalim. Kung kaya't ang taong mahilig magbasa at pala-aral ay siksik sa kaalaman at nagpapakadalubhasa sa kanyang mga napag-aaralan. Ang talino ay napagbubuti rin basta masipag ang may ulo.
***