Salawikain: Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
Salawikain Tungkol Sa Pangako |
"Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili."
Paliwanag: Ang pangako ay isang salita na dapat ay may ipinakikitang kaakibat na paggawa. Nararapat na ang isang pangako ay tinutupad dahil ito ay nagbibigay ng tatag ng isang reputasyon ng taong nagsasabi ng pangako sa taong kanyang kausap. Ito ay sumusukat din sa pagpapahalaga sa kanyang sarili kaakibat ng kanyang salitang binitawan.
***