Salawikain: Ang tibay ng walis ay dahil sa pagkaka bigkis-bigkis
Salawikain Tungkol Sa Pagkakaisa |
Tungkol Sa Pagkakaisa
"Ang tibay ng walis ay nasa pagkaka bigkis-bigkis."
Paliwanag: Ang walis kapag kinuha mo isa-isa ay mababali kaagad kung wala itong kasama. Kapag pira-piraso'y walang tibay na makikita.
Parang isang samahan na kapag walang tamang sistema at malasakit sa bawat kasama, ay wala ring matibay na pundasyon na magdidikta para masabing matatag sila. Kagaya naman ng isang pamilya na pinagbuklod ng pagmamahal at respeto at may magulang na masayang nagbibigkis sa buong pamilya ay sintibay ng walis na binigkis ng mahigpit at tama.
***