Salawikain: Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili
Salawikain Tungkol Sa Tsismis |
Tungkol Sa Tsismis
"Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili."
Paliwanag: Ang taong madaling maniwala sa usap-usapan lalo na kung ang pinag-uusapan ay walang sapat na basehan para ito'y paniwalaan pero kagyat na sinasang-ayunan at pinaniniwalaan ay isang taong walang sapat na dunong at wastong kaisipan, dahil maaari din syang mapaglinlangan at makapanglinlang ng kanyang mapagpapasahan ng kwentong walang katotohanan. Bago maniwala sa pinag-uusapan, magmasid at mangalap ng sapat na kaalaman para hindi rin makasira ng sinuman.
***